DM ‘hakot award’ sa DSPC, 4 lusot sa RSPC
Pasok sa Regional School Press Conference 2017 ang apat na Campus Journalist ng Dugong Maharlika matapos humakot ang BNTES - Maharlika Annex ng 16 na titulo, 14 na medalya, at isang tropeo sa ginanap na Division School Press Conference 2017 sa lungsod ng Imus.
Naguwi ang Maharlika CJs ng isang pilak at isang tansong medalya, at walong certificates of recognition sa DSPC Individual Categories na ginanap sa Imus Pilot Elementary School noong Setyembre 11-12, 2017. Umani naman ang Collaborative Team ng Maharlika Annex ng dalawang ginto, walong pilak, at dalawang tansong medalya, walong certificates of recognition, at isang tropeo para sa pagkilala sakanila bilang Second Best Collaborative Team sa DSPC Collaborative Desktop Publishing Categories na ginanap sa St. Edward Integrated School Foundation - Cavite Inc., Lancaster New City, Imus City, Cavite noong Setyembre 23, 2017.
Tinanghal sina [Individual Categories] Michaela Chryst Siron (Editorial Writing - English Category), Irish Haley Jade Lapuz (Copyreading and Headline Writing - Filipino Category), [Collaborative Desktop Publishing - Filipino Category] Kirsten Dawn Delos Santos (Editorial Writer), at Ariana Pauline Murata (Sports Writer) bilang kasama sa mga representatives ng Imus City sa RSPC 2017 na gaganapin sa lalawigan ng Batangas sa Nobyembre 13-15, 2017. “Masaya ako na nanalo ako dahil nawala ang lahat ng pagod ko at ‘worth it’ ang lahat ng pinaghirapan namin ng aking teammates sa Collaborative Publishing,” ani Murata.
Hinihiling ng mga RSPC qualifiers mula sa Maharlika ang suporta at panalangin ng mga Maharlikans sapagkat kung papalarin sila na manalo sa Journalism Contest sa Batangas ay mapapabilang sila sa mga magiging representatives ng buong Region IV-A CALABARZON sa National School Press Conference 2018 na gaganapin sa Dumaguete City, Negros Oriental, Philippines, sa Pebrero 19-23, 2018.
Mga karangalan na napanalunan:
Individual Categories:
*Editorial Writing English - 2nd place
*Editorial Writing Filipino - 6th place
*Editorial Cartooning English - 7th place
*Editorial Cartooning Filipino - 9th place
*Science Writing Filipino - 6th place
*Sports Writing English - 8th place
*Sports Writing Filipino - 10th place
*Copyreading and Headline Writing Filipino - 3rd Place
Collaborative Desktop Publishing - Filipino:
*Best News Page - 3rd place
*Best Editorial Cartoon - 5th place
*Best Editorial Page - 1st Place
*Best Feature Page - 3rd Place
*Best Sports Page - 1st Place
*Best Page Layout - 2nd Place
*Best Publication Photos - 4th Place
*Best Collaborative Team (Over all) - 2nd Place
Matamis na tagumpay mula sa mapapait na sakripisyo
“No sacrifice, no victory.”
Isang sikat na linya mula sa pelikulang transformers na pinatunayan ng buhay at kwento ng simula ng karera sa Journalism ng Editor-in-chief ng Dugong Maharlika at Filipino Sports Writer ng Collaborative Publishing Team ng BNTES-Maharlika Annex.
Nasungkit ni Ariana Pauline N. Murata ang gintong medalya at first place sa Best Sports Page sa ginanap na DSPC 2017 Collaborative Desktop Publishing noong Setyembre 23, 2017 sa St. Edward Integrated School Foundation - Cavite Inc. Isa rin siya sa mga napili upang ikatawan ang lungsod ng Imus sa RSPC na gaganapin sa lungsod ng Batangas sa Nobyembre 13-15, 2017, subalit hindi madali ang kaniyang mga pinagdaanan bago niya nakamit ang tagumpay na ito. Dumanas ng matinding pagsasanay si Ariana mula Enero 2017, sa gabay ng kaniyang School Paper Adviser na si Emmanuel John P. Nacar, upang matutunang sumulat ng Sports News, Sports Editorial, at Sports Feature. Naransan din ng 10 taong gulang na batang journalist na mabilad sa ilalim ng sikat ng araw upang icover ang mga naganap na sports events noong Klaster 1 Meet ng Imus City.
Noong Setyembre 6, 2017, pagkauwi ng mag-aaral mula sa Baitang VI - Mahogany, gabi bago ang simula ng Sports Coverage para sa Klaster 1 Meet ng mga Sports Writers ng Maharlika, ay nakatanggap siya ng isang masamang balita na labis na sumubok sa kaniyang pagmamahal para sa Journalism. Isinugod sa Medical Center Imus ang kaniyang ina na si Arlene Murata. “Nawalan ako ng tiwala sa aking sarili dahil hindi pa nagigising si mama ng mga oras na sinugod siya sa hospital, grabe talaga ang pagluha ko noon, hindi pa namin agad nalaman ang dahilan bakit hinimatay si mama kasi ang tagal dumating ng doctor, ngayon ipinagpapasalamat ko sa Diyos na nakalabas na si mama ng hospital at ok na siya,” pagkwekwento ni Ariana sa isang panayam.
Isinuko rin ng EIC ang pagkakataon upang mapabilang sa mga atleta na irerepresent ang paaralan bilang runner sa Klaster 1 Meet - Athletics Category para sa Journalism. Mas pinili niyang ituon ang kaniyang atensyon upang hasain ang kanyang sarili sa pagsulat ng iba’t ibang uri ng balitang pang isports.
“Sulit ang lahat ng pagod at pagtitiyaga ko sa training, pagsampa ko sa stage at habang sinasabitan ako ni sir ng medalya ay hindi ko napigilang umiyak, ganoon pala talaga kapag pinaghirapan mo ang isang bagay,” maluha-luhang pagsasalaysay ni Ariana.
Tunay nga na matamis na tagumpay ang kapalit ng lahat ng mapapait na pagsasakripisyo. Anumang hirap na pagdaanan, kung hindi susuko, sa huli ay makakamit mo rin ang iyong mga minimithi.

Maharlika 'golden pair'
Nahumaling ang maraming kabataan noon sa palabas na Prince of Tennis ni Takeshi Konomi. Isang anime na kinabibidahan ng mahuhusay na tennis player ng Seigaku, kabilang sakanila ang bantog na golden pair na sina Kikumaru Eiji at Shuichiro Oishi.
Maraming mag-aaral ang humanga sa dalawang natatanging miyembro ng Maharlika Badminton Varsity Team. Sumikat sa BNTES-Maharlika Annex ang tandem nina Lance Bergancia at Filjo Gamao dahil sa skills at confidence nila sa paglalaro ng badminton.
Inihalintulad ng Maharlikans sina Bergancia at Gamao sa sikat na golden pair ng Seigaku. Katulad ni Eiji na sikat sa kaniyang mga athletic plays, si Lance naman ay namarkahan ng Maharlika fans dahil sa angking liksi sa paglalaro ng badminton; inihambing naman sa walang puknat na pagrereceive ni Oishi ang di matibag na dipensa ni Filjo.
Nagsimula ang karera sa badminton nina Bergancia at Gamao noong 2016 nang sila’y nasa Baitang lima pa lamang. Mula noon ay inantabayanan na ng Maharlikans ang bawat laro ng tinagurian nilang golden pair dahil sa astig nilang playing styles at kapansin-pansing compatibility sa court.
Matapos makapaguwi ng gintong medalya sa Imus City Klaster 1 Meet Badminton Doubles Elementary Boys Category noong Setyembre 8, 2017 at makalusot sa City Meet ay lalo silang sumikat at kinabiliban ng mga estudyante sa Maharlika Annex. Inspirasyon ng tinaguriang “Maharlika Golden Pair” ang kanilang mga Coaches na sina Rey Menorca at Sidar B. Bringas. Baon-baon nila ang kanilang mga natutunan sa kanilang mga coaches upang maipanalo ang mga darating pa nilang laban para sa buong Imus City Klaster 1.

MES nasikwat ang tansong medalya sa 200 m dash
Nasungkit ni Mark Harvey Dacara ang tansong medalya para sa Maharlika Elem. School matapos pakainin ng alikabok ang mga mananakbo sa Imus Klaster 1 Meet Athletics 200 meter dash - Elementary Boys Category na ginanap sa IPES oval noong Setyembre 7, 2017.
Inungusan ng Maharlika school heartthrob ang kinatwan mula sa iba’t ibang paaralan at tinapos ang karera sa loob ng 57 segundo.
“Muntik na po akong madapa ulit doon sa putikang bahagi ng course pero inisip ko lang po ang dahilan ko sa pagtakbo, ang makapag-uwi ng karangalan sa school at ang aking pamilya,” ani Dacara.
Samantala, iniuwi ng Imus Pilot Elementary School ang medalyang ginto ng tapusin ng kanilang pambato ang karera sa loob ng 50 segundo, at medalyang pilak sa loob ng 55 segundo.
“Sadyang mabibilis at matatangkad po ang mga taga pilot, ang lalaki pa ng hakbang nila, idinaan ko na lamang po sa puso’t determinasyon para kahit papaano ay may maiuwi akong medalya,” ani pambato ng Maharlika.
Sa time trial, nakamit ng 11 taong gulang ang unang pwesto matapos makapagtala ng 59 segundo.
Rumatsada si Dacara sa pagtakbo sa time trial nang aksidente siyang madapa sa kalagitnaan ng karera.
“Ipinagpapasalamat ko na lamang po na hindi ako nainjury, napakadulas po kasi talaga doon sa putikan, nakapaa po kami tumakbo, ” ani Dacara.

Maharlikans dapa sa 4x4 400 m relay
Naligwak ang kampeonato sa BNTES-Maharlika Annex matapos makapagtala ng tatlong minuto at apat na segundo lamang sa Imus City Klaster 1 Meet 4x4 400 meters Relay - Elementary Boys Category na ginanap sa Imus Pilot Elementary School oval noong Setyembre 8, 2017.Nawala sa konsentrasyon ang huling mananakbo ng Maharlika na si Redemeer Anima matapos bagalan ang takbo sa huling lap ng karera dahil sa maling akala ng pwesto ng finish line.
“Nakaramdam po ako ng sobrang pagod habang tumatakbo kaya po hindi ko napansin na malayo pa pala ang finish line, sinikap ko pong bawiin ang mga segundong nawala sa akin, binilisan ko po ang takbo pero naiwanan na ko ng aking mga kalaban,” panghihinayang na sagot ni Anima sa isang panayam.
Rumatsada naman si Adrian Payumo sa kalagitnaan ng karera matapos dikit na makipagunahan sa pambato ng Imus Pilot Elem. School.“Mabilis po yung taga Pilot, tingin po ako ng tingin sa kaniya habang tumatakbo kasi kinakabahan po ako na baka maunahan niya ako,” ani Payumo.
Rumagasa naman si Klive Angelo F. Arcangel sa simula ng karera at inungusan ang mga katungaling mananakbo para mabigyan ng limang segundong bentahe ang Maharlikans.“Nahirapan po ako sa pagtakbo, muntik pa po akong madulas sa putikang bahagi ng oval pero binilisan ko pa rin po at ginawa ang lahat ng aking makakaya para makapag-uwi po sana ng karangalan sa school, pero ok na rin po yun, sapat na rin po sa amin na naranasang irepresent ang school sa isports,” ani Arcangel.
Samantala, nanakaw ng Imus Pilot Elementary School ang kampeonato matapos makapagtala ng dalawang minuto at 57 segundo sa kabuuan ng karera; naiuwi naman ng Anabu 2 Elementary School ang ikalawang pwesto ng tapusin ang karera sa loob ng dalawang minuto at 59 segundo.

Maharlikan nabitin sa Javelin Throw
Kinapos sa pagbato ng sibat si Ainzley Mariel B. Egonia ng BNTES-Maharlika Annex, 9.34 m, sa Imus City Klaster 1 Meet na ginanap sa IPES grounds noong Setyembre 7, 2017.
Nadulas sa kamay ng 11 taong gulang na manlalaro ang tagumpay matapos kulangin sa pwera ang pagpapakawala niya sa sibat. “Mali po ang naging pagbato ko sa sibat dahil masyado po ako nagmadali, pero ok lang po yun, ang mahalaga po ginawa ko ang lahat ng aking makakaya; nagpapasalamat po ako kay Sir Deo sa ibinigay niya pong pagkakataon sa akin na makapaglaro at irepresent ang school,” ani Egonia.
Samantala, nasapul ng Palico Elementary School ang first place sa Javelin Throw matapos makapagtala ng 15 m layo.