Daan patungo sa Nasyonal ni Eliza Mei Ongsioco
ni Christina N. Matabang
Hindi matatawaran ang angking galing at husay na ipinamalas ng mag-aaral sa ika- anim na baiting na si Eliza Mei M. Ongsioco o mas kilala sa katawagang “shobe”. Ikinararangal ng mababang paaralan ng Buhay na Tubig Elementary School- Maharlika Annex si Ongsioco sapagkat siya ang magrerepresenta sa buong dibisyon ng Imus sa National Festival of Talents 2019 sa larangan ng pagsulat at pagbigkas ng tula noong Enero 28 hanggang Pebrero 1, 2019 sa lungsod ng Dagupan. Siya ay masusing sinanay ng isa sa mga magaling at bihasang guro sa Filipino na walang iba kundi si Gng. Marilyn de Vera. “Madali siyang turuan, pursigido at determinadong matuto kaya sa totoo lang di ako nahirapan”, saad ng tagapagsanay. |
Ayon pa kay Gng. De Vera, noon pa lang ay kinakitaan na niya si Shobe ng potensiyal at talento sa pagsusulat bukod pa na ito ay umabot din ng regional level sa Science Writing-English contest.
“Di ko man naiuwi o nakamit ang gantimpala o panalo, masaya akong naibahagi ko ang aking talento. Higit sa lahat, masayang- masaya ako dahil sa suportang ipinaramdam sa akin ng mga mahahalagang tao sa paligid ko, yun ang isang bagay na kahit kailan ay di matatawaran ng kahit ano pa man, ayon kay Shobe.
Naniniwala din daw siya na ang kabiguan ay di hadlang para sumuko sa laban, bagkus isa itong daan upang maabot ang rurok ng tagumpay.
“Di ko man naiuwi o nakamit ang gantimpala o panalo, masaya akong naibahagi ko ang aking talento. Higit sa lahat, masayang- masaya ako dahil sa suportang ipinaramdam sa akin ng mga mahahalagang tao sa paligid ko, yun ang isang bagay na kahit kailan ay di matatawaran ng kahit ano pa man, ayon kay Shobe.
Naniniwala din daw siya na ang kabiguan ay di hadlang para sumuko sa laban, bagkus isa itong daan upang maabot ang rurok ng tagumpay.
Maharlikans nagdonate ng 379 bote sa hardin
ni Chelsea Faye B. Roilo
Inabot sa 379 plastic bottles ang dinonate n mga magaaral sa Maharlika Annex para matamnan ng mga punla sa hardin. Hinikayat ni Jenny M. Mancenido, Gulayan sa Paaralan Coordinator, ang mga estudyante na makibaagi sa papapaigting ng pagreresiklo sa paaralan noon Sep. 15, 2018. Bukod sa pagbibiay, tumulong pa ang ilang mga magulang at kabataan sa papipintura ng 259 na 1.5 coke bottles at 120 galon ng mineral water. “Natugunan ng kabutihang loob nila ang problema sa kakulangan ng paso ng paaralan, marami na ngayon ang mapagtatamnan ng mga halaman,” ani Mancenido. |
Blue belter tiklop sa White belter, kampeonato nasungkit ng Rookie.
Hindi na ako nagtataka, nakikinig kasi si Macazo at masipag magtraining, kaya niyang pabagsakin kahit blue belt pa yang kalaban niya, kaya niya yan,” ani Maharlika Coach Chiren G. Hitosis. Samantala, napaluhod sa huling bahagi ng Round 1 ang 12 taong gulang nang makalasap ng side kick sa dibdib mula kay Manansala, 6-4 pabor sa BL1. “Magaling yung nakalaban ko, tapos blue belt pa, ako white belt lang kaya kabadong-kabado ako kanina, first time ko rin sumali sa contest, pero nung pinakinggan ko ang mga bilin ni coach na wag magpapatumba at wag lalabas…nawala na yung kaba ko,” ani Macazo.
|