Adik sa libro
Maraming mag-aaral sa BNTES-Maharlika Annex ang palagi na lang napapagalitan ng guro dahil sa kaingayan at pagkapasaway, mapa recess man o kahit sa mismong oras ng klase.
Iba si Jameswell D. Guban, kaysa mag-ingay at magbigay ng sakit ng ulo sa kaniyang mga guro, mas pinipili niya na magbasa na lamang ng libro. Sa tuwing walang ginagawa ay nagpupunta ang siyam na taong gulang sa mobile library na matatagpuan sa tabi ng Room three, Building two ng paaralan. “Ang gaganda ng libro sa mobile library, nakakaaliw silang basahin, pati mga pictures magaganda po,” pagkwekwento ni Jameswell.
Binahagi rin ng mag-aaral mula sa Baitang V - Mahogany ang mga libro na madalas niyang hinihiram at paboritong basahin.
Animal World Encyclopedia - aklat patungkol sa iba’t ibang uri ng hayop na matatagpuan sa mundo, ang kanilang habitat, at uri ng pagkaing kinakain.
My Bible Friends ni Ella B. Degering - naglalaman ng mga kwento at buhay ng iba’t ibang tauhan sa Biblia na talaga namang kapupulutan ng aral at naglalarawan sa kapangyarihan at pag-ibig ng Diyos.
The Young Children’s Encyclopedia - isang encyclopediang pambata na puno ng magagandang larawan at impormasyon patungkol sa maraming bagay na madaling mauunawaan ng mga bata.
HSP Math Book na dinonate ng San Beda College Alabang - naglalaman ng mga mathematical techniques na matutulungan ang mga bata na matuto ng Mathematika sa madaling paraan.
HSP Science Book na dinonate ng San Beda College Alabang - aklat na puno ng makukulay na litarto, nakakamanghang mga experiments at impormasyon tungkol sa agham at teknolohiya. “Masarap po magbasa ng libro, ang dami mo ng matututuhan, hindi ka pa mapapagalitan ni teacher kasi magulo ka sa klase,” ani Guban.
Magandang halimbawa ang asal ni Jameswell, nasusunod niya ang mga payo ni Ma’am Marilyn B. De Vera na magbasa ng K-12 books para matuto.“Noong panahon namin maraming mga bata ang hindi nakakapag-aral kaya gusto ko na matuto ang mga mag-aaral sa Maharlika,” ani De Vera.
Gayahin sana ng ibang mag-aaral ang gawain ng estudyante na naadik sa libro kaysa sa kalokohan, marami ng matututuhan, maliligtas pa sa kapahamakan at sermon ng guro.