Guro nahalal na BSP coordinator ng Imus
Tinanghal na Boy Scout Coordinator sa buong lungsod ng Imus si Rodio Y. Ilao noong Hunyo 16, 2017.
Nagwagi sa eleksyon na naganap sa IPT Hall ng Imus Pilot Elem. School ang guro ng BNTES-Maharlika Annex.
"Masaya ako dahil nahalal akong Public School BSP Coordinator kahit alam kong malaking reponsibilidad ito, gagampanan ko ng tapat at buong puso ang aking tungkulin upang makapagbahagi ng aking serbisyo sa aking kinaaanibang grupo," ani Ilao.
Katuwang ni Ilao si Joyce P. Cerveza leader ng Girls Scouts of the Philippines sa Maharlika."Ang pagiging isang leader ay masaya at may kaakibat na hamon para sa mga bagong miyembro ng GSP, masaya ako sa kadahilanang may bago nanaman akong natutunan at maibabahagi sa mga babaeng iskawt," ani Cerveza.
Isinalaysay din ng itinalagang GSP Leader na mapanghamon ang kaniyang bagong posisyon sapagkat marami itong kaakibat na gawaing dapat ipagawa at matutunan, dapat aniya na maging malinis sa isip, sa puso, sa salita at sa gawa.