Kapitan, mga magulang: Cook fest sana'y maulit muli
Matapos ang masayang cook fest na isinagawa sa Maharlika Covered Court noong Agosto 1, 2017, hiniling ng mga magulang at Maharlika Brgy. Captain Valerio na sana'y maulit muli sa 2018 ang ganitong klaseng selebrasyon ng paaralan.
Nakilahok ang lahat ng mag-aaral mula kindergarten hanggang Baitang VI sa kaunaunahang cook fest sa BNTES-Maharlika Annex.
"Maganda itong icelebrate ng mga bata para sa susunod marunong na silang kumain ng mga prutas at gulay, sana next year, 2018 ganito rin upang magpakabusog ang mga bata at maging healthy sila," ani Kapitan Valerio.
Layunin ng programang ito na turuan ang mga kabataan na kumain ng masusustansiyang pagkain at mapagtibay ang bonding ng mga mag-aaral at parents nila, lalo na sa kinder.
"Matagumpay ang Nutrition Month Celebration dahil sa iba't ibang naganap na activity na nilahukan ng mga estudyante, magulang, guro, at maging mga opisyal ng barangay," ani guro na si Ma. Arlhena M. Pascual.
Maharlikan nahalal na Imus SPG sec
Hinirang na sekretarya ng Supreme Pupil Government sa buong lungsod ng Imus ang isang mag-aaral na mula sa BNTES-Maharlika Annex noong Hulyo 21, 2017.
Nagwagi sa ginanap na SPG elections sa General Emilio Aguinaldo National High School si Michaela Chryst S. Siron.
“Ako’y nabigla dahil sa dinami-rami ng mga paaralang nagtipon-tipon at sa dinami-rami ng mahuhusay at talentadong estudyante ako pa ang napili bilang sekretarya,” ani Siron.
Noong una’y naka-tie ng class president ng Grade VI-Narra ang mag-aaral mula sa BNTES-Main Campus sa pagkapresident, subalit natalo sa isang tie-breaker na idinaan sa toss coin kaya nahalal na sekretarya.
Hindi man naging presidente ay nangako naman si Siron na gagampanan niya ng maayos ang kanyang tungkulin bilang sekretarya upang makatulong sa mga mag-aaral na Imuseño lalo na sa mga batang taga-Maharlika.