PB2 sumandal sa higante para mapataob ang Maharlika
Kinapitan ng defending champions, Pasong Buaya 2 Elem. School ang taas at matitikas na rebound ni Paolo James Jarawata upang palasapin ng mapait na pagkatalo ang BNTES-Maharlika Annex sa Klaster 1 Meet Basketball Competition, 48-44, na ginanap sa Pasong Buaya Covered Court kahapon. Isinelyo ni Jarawata ang panalo kontra Maharlika matapos maipasok ang isang makapigil hiningang free throw sa mga huling segundo ng laro.
Nagtala ang PB2 Giant ng 12 puntos, anim na rebound, tatlong blocks, at dalawang assists; nagtala rin si Earl Haluin ng walong puntos, apat na steal at limang rebounds.
"Training yan ang aming naging kalakasan at kaya wala kaminh kahinaan," ani PB2 Coach Laureano Guindog.
Nagambag din sina John Michael Durias ng anim na puntos, apat na rebound, at isang assist; at Ramzel Jay A. Orejola ng tatlong puntos, pitong assist at isang rebound. Hinandlangan ni Jarawata ang pamatay sunog sanang atake ng Maharlika School Heartthrob na si Mark Harvey Dacara gamit ang isang mabangis na block sa kalagitnaan ng fourth quarter.
Nagpakawala naman ng dalawang matitinik na three-pointer si Haluin na siyang nagbigay kalamangan para sa PB2 E/S sa third quarter, 39-34.
Pinasiklab ng PB2 Warriors ang damdamin ng kanilang mga taga suporta at pinatahimik ang madlang Maharlikans matapos umarangkada sa first quarter, 23-8. "Nahirapan talaga kami dahil sa tangkad nung number 21, naubos talaga ang lakas ko, lalo na sa kalagitnaan ng third quarter, tapos naleegan pa ko," ani Maharlika Forward Elijah Vecido.
Naparalisa ng kombinasyong dipensa ni Vecido at steals ni Timothy John Napa ang powerhouse plays ng higante ng Pasong Buaya 2 sa second half.
Binasag naman ni Dacara ang deadlock sa fourth quarter gamit ang isang flawless layup na siyang bumihag sa puso ng mga kababaihan sa court. Samantala, iniahon naman ng Power Forward Ryan Joshua Dimaandal ang Maharlikans mula sa matinding pagkakalugmok matapos humataw at magpasok ng isang makapigil hiningang buzzer beater sa second quarter,32-22.
Junior Medics: Handa sa sakuna
Ipinamalas ng Maharlika Junior Medics ang kahandaan sa sakuna matapos sumalang sa kauna-unahang training-workshop ng CDRRMO sa BNTES-Maharlika Annex noong Agosto 23 at 25, 2017. Ibinahagi ng City Disaster Risk Reduction Management Office sa mga batang maharlikans ang tamang pamamaraan ng Cardiopulmonary resuscitation (CPR) at mga hakbang na nararapat gawin sa oras ng sakuna.
Aktwal na naransan ng Jr Medics ang pagsasagawa ng CPR at tamang pagbubuhat sa pasyente, subalit ipinapayo pa rin ng Imus Rescue Team na tumawag agad sa paramediko upang magbigay ng agarang lunas.
Maaaring tawagan ang CDRRMO sa hotline: 471-0629

Nagmahal ng 3 bibe
May tatlong bibe ang Maharlikans nakita, maputi, may ribbon na mga bibe, ngunit madrama ang kwento nila, sila ang bibe ni Noah (Raikko Mateo) bida sa pelikulang “Tatlong Bibe” ni Direktor Joven Tan.
Naantig ang puso ng mga taga-Maharlika sa napanood nilang buhay nina Noah, Kimberly (Lyca Gairanod), at Toto (Marco Masa) na taga Barangay Bigay. Kinaaliwan din nila ang alagang tatlong bibe ni Noah.Namangha ang mga mag-aaral ng BNTES-Maharlika Annex sa galing sa pagarte ng mga batikang artista (Victor Neri, Ronnie Lazaro, Angel Aquino, Eddie Garcia, Mommy Dionisia Pacquiao, atbp.) sa pelikulang napanood nila sa Robinsons Imus Movieworld noong Agosto 27, 2017.
Isapuso sana ng mga estudyante ang mga aral sa pelikula, na manalig sa Diyos, irespeto ang mga magulang maging sinoman sila, at alagaan mabuti ang mga alagang hayop, tulad ni Noah na minahal ang kanyang tatlong bibe.

10 Maharlikans nabigyan ng libreng gupit
Natulungan ng libreng gupit na isinagawa sa BNTES-Maharlika Annex noong Agosto 1, 2017 ang 10 mag-aaral na mula sa mga pinakamahihirap na pamilya sa paaralan.
Lubos ang tuwa’ t pagpapasalamat ng mga maharlikans na napagwapo't napaganda ng pagkakawang gawa ng hairdresser na si Khimberly Corcuera.
"Layunin ng programang ito na mabigyan ng pagkakataon ang mga indigent nating mga estudyante na magupitan ng libre bilang bahagi ng 'good grooming' activity ng ating Nutrition Month Celebration," ani Ma. Arlhena M. Pasual, gurong tagapayo ng Baitang VI-Mahogany.
Ito ang kauna-unahang libreng gupit na isinagawa sa Maharlika Annex.