Maharlika pasok sa Brigada Eskwela regionals
Nakalusot ang BNTES-Maharlika Annex sa regional level competition ng Best Brigada Eskwela Implementing Schools matapos muling masungkit ang first rank sa Division Best Brigada Eskwela Implementer - Elementary Medium Schools Category para sa school year 2017-2018. Opisyal na naging ganap ang pagkapanalo ng Maharlika matapos ilabas ng Department of Education Division of Imus City and Division Memorandum No. 203, series 2017 noong Agosto 4, 2017.
Naitala ng Maharlika Annex ang pagiging Back-to-Back Champions ng Brigada Eskwela dahil na rin sa kooperasyon at pagtutulungan ng lahat ng mga guro, mag-aaral, mga magulang, alumni, at tanggapan ng Barangay Maharlika.
Lubos rin ang pasasalamat ng Buhay na Tubig Elementary School - Maharlika Annex sa lahat ng nakibahagi at sumuporta sa isinagawang Brigada Serye ng paaralan noong Mayo 15-20, 2017.
“Masaya kami dahil ilang taon ng sunod-sunod ang pagkapanalo ng school, halos lahat ng teachers na assigned sa iba’t ibang committee ay nagkaisa para manalo sa Brigada Eskwela, maintain lang natin palagi ang kagandahan ng paaralan,” ani Rustom Ongca, guro.
Hinihiling ng tanggapan ng eskwelahan ang patuloy na partisipasyon at pakikipagtulungan ng Maharlikans upang patuloy na mamayagpag ang Maharlika sa Brigada Eskwela.