K-3 developmentally appropriate practices (DAP) early language literacy and numeracy SLAC
K-3 developmentally appropriate practices (DAP) early language literacy and numeracy SLAC was conducted last october 23-27, 2017. This said slac tackle different topics that may help to teachers and primary pupils to both will be benefited with the diff. Suggested activities.

Pagsusumikap para sa karangalan
Paglalaro ng cellphone at basketball ang hilig gawin ng binansagang Kaede Rukawa ng Maharlika na si Timothy John Napa, anak nina Annie Rose Napa at Ronald Napa.
Matiyagang nageensayo si TJ araw-araw, mula ala-una hanggang alas-singko ng hapon. Naging sisiw na lang para sa kaniya ang basketball dahil sa kaniyang mga pagsusumikap.
Nagsimula ang hilig sa basketball ng Maharlikans point-guard noong nasa Baitang - IV pa lamang siya. Nahumaling siya at naudyok sumali sa basketball varsity team ng Maharlika nang makakita siya ng mga nagbabasketball noong musmos pa lamang siya.
Napili si Napa na maging kinatawan sa basketball ng Klaster 1 sa Imus City Meet na ginanap noong Oktubre 7, 2017.
Patuloy na nagsusumikap ang 11 taong gulang na basketbolista para mabigyang karangalan ang BNTES-Maharlika Annex sa larangan ng basketball.
Maharlikans pasok sa RFT 2017
Lusot sa Regional Festival of Talents 2017 ang mag-aaral ng BNTES-Maharlika Annex na si Michaela Chryst S. Siron matapos magkamit ng gintong medalya sa Pandivisyong pista ng mga talento sa Filipino - kategorya ng Dagliang Talumpati sa Elementary na ginanap sa Alapan 1 Elem. School noong Oktubre 6, 2017.
Ginawaran ang pambato ng Maharlika ng unang karangalan matapos mahusay na sagutin ang katanungan ng hurado na may paksang, “Wikang Filipino bilang susi sa pagbabago”.
“Hindi na iniisip ng mga OFW na nasa panganib na ang kultura ng Pilipinas dahil mas binibigyang prioridad nila ang wikang Ingles,” tugon ni Siron sa tanong ng hurado.
Muntik ng malagay sa alanganin ang panalo ng mag-aaral na mula sa Baitang VI - Narra ng magkamali sa paganunsyo ng nagwagi ang itinalagang speaker ng patimpalak.
“Kinabahan po ako nung una kasi akala ko po hindi ako mananalo, tinawag po kasi ng speaker and Buhay na Tubig eh nasa Chambers Theater po ang contestant nila,” ani Siron.
Pinaliwanag ng organizers ng kompetisyon na may mali lamang sa papel na naiabot sa speaker.“Hindi ko papabayaan ang laban ko sa dagliang talumpati, kahit na wala na akong sapat na oras para sa iba ko pang responsibilidad sa school, tutal hindi naman required sa contest ko na ito ang bugbugang pageensayo; sabi po kasi ng judge mas mainam daw po na walang kinakabisadong script para mas maexpand daw po ang thoughts,” ani Siron.
Samantala, problemado ngayon ang 10 taong gulang na mag-aaral sapagkat pasok din siya sa Regional School Press Conference 2017.“If ever po magsabay ang RFT at RSPC sa November, ipapaubaya ko na lamang po sa mga magulang ko ang desisyon kung saan po ako sasali, sila po kasi ang mas nakakaalam kung ano po ang mas makakabuti para sa akin,” ani Siron.